Huwebes, Setyembre 8, 2016


 KASAYSAYAN NG SINULOG SA CEBU: KULTURA NG MGA CEBUANO

 

SINULOG FESTIVAL SA KARANGALAN NG SANTO NIÑO


Noong Abril 7, 1521, matapos dumating ang barko ni Ferdinand Magellan sa Cebu, ipinakita niya ang imahe ng batang Jesus, ang Santo Niño, bilang regalo sa binyag kay Hara Amihan, asawa ni Raja Humabon. Pinangalanang Reyna Juana si Hara Amihan bilang pagpupugay jay Juana, ang ina ni CarlosI. Kasama ang mga pinuno ng isla, ang iba pang 800 na taga-roon ang nabinyagan ng Kristiyanismo. Sa pagtanggap nito sa imahe,  sinasabing si Reyna Juana ay sumayaw na may tuwa hawak ang imahe ng batang Jesus. Dahil sa pagsunod ng mga taga-roon sa kanya, ang sandaling ito ang itinuring na pinakaunang Sinulog.
    Ang salitang Sinulogay ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na sulog, na nangangahulugang “like water current movement” na inilalarawan ang urung-sulong na paggalaw ng Sinulog dance.
    Ang Sinulog Festival ay ginaganap taun-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño at tumatagal ng siyam na araw. Ang pista ay binubuo ng isang napakahabang parada kasama ang iba’t-ibang grupo ng mananayaw na may  makukulay na kasuotan at nakasakay sa pitong (7) karosa na sumisimbulo sa pitong magkakaibang panahon ng kasaysayan ng Cebu. Upang makita ang kaibahan ng pistang ito sa Ati-Atihan Festival ng Panay Island, ito ay sinasayaw ng may ibang galaw. Ang sayaw nito ay sinasabayan ng tugtog ng tambol na may dalawang hakbang paharap kasunod ng isang paurong. Taong 1980 ng unang ma-organisa ang parade. Ang Sinulog dance ngayon ay ang tradisyunal at ritwal na sayaw sa karangalan ng Santo Niño.
    Habang sumasayaw, sumisigaw ang mga tao ng “Viva! Pit Señor! Señor Santo Niño, Manoy Kiloy” bilang pasasalamat at paghingi ng kanilang mga kahilingan. Ang pagsigaw ay kailangan dahil gustong makasiguro ng mga tao na maririnig sila ng Santo Niño.  
    Nagsimula na ang pagdiriwang noong Enero 9 ng taong ito. Araw-araw ay may misang nagaganap hanggang Enero 20 na araw ng pasasalamat.


            Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol.


            Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.

Image result for sinulog festival sa cebu

SARILING PAGHIHINUHA :

                    Bilang isang mag aaral ng UNIBERSIDAD NG CEBU masasabi kong tunay na maganda, makulay at napakasayang ipagdiwang ang SINULOG SA CEBU. Ito rin ang pinakahihintay kong selebrasyon sapagkat para sa akin sandali kong makakalimutan ang aking mga assignments at wala kaming pasok sa araw ng pagdiriwang ng sinulog. Ang sinulog rin ay isang paraan upang magpasalamat sa ating patron na ang batang JESUS sa mga biyayang natatangapng mga tao sa cebu at masaganang buhay na kanilang nadanasan.











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento